Para po sa ating mga kababayan sa Brgy. Bilibinwang.
Isang pagbaha po ang nagaganap sa inyong Barangay. Pinag-iingat po ang lahat. Kasama po ng inyong Pamahalaang Barangay ay kanina pa pong tumutulong ang mga kinatawan ng ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel D. Reyes kasama ang mga kinatawan ng MDRRMO na pinamumunuan ni Sir Junfrance De Villa.
Ibayong pag-iingat po ang ating paalala sa ating mga kababayan lalo't higit sa ating mga motorista.



0 Comments