BINATA NA SI TAKENG: Libreng Tuli para sa mga Agoncillians hatid ng Rotary Club of Downtown Lemery
Mga kababayan, sa darating na ika-25 ng Mayo, 2025 magkakaroon ng Libreng Tuli Program ang Rotary Club of Downtown Lemery katuwang ang ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes at ng mga kinatawan ng ating Rural Health Unit na pinamumunuan ni Dr. Richard Landicho.
Ano pang hinihintay mo?
Magpalista na sa mga BHW ng nakakasakop na Barangay sa inyo.
MAGPATULI NA HABANG LIBRE PA

0 Comments