TINGNAN | Pagsusulit ng mga nagnanais maging Iskolar ng Bayan, isinasagawa sa Agoncillo Central School ngayong araw.
Kasalukuyang isinasagawa ang pagsusulit ng mga naghahangad maging Iskolar ng Bayan sa Agoncillo Central School. Nasa higit 400 na mag-aaral ang kukuha ng pagsusulit. Kung papalaring makapasa sa pagsusulit na ibinigay ng Lemery Colleges, sasailalim naman sila sa isang interview.
Ang mga papalaring Iskolar ng Bayan ay iaannounce sa facebook page na ito.
Layunin ng ating Lokal na Pamahalaan na bigyan ng pantay na oportunidad ang bawat kabataang Agoncillian at upang patunayan na ang pagiging Iskolar ng Bayan ay kailangan ng Tiyaga, Talino at Dedikasyon.
Ayon sa pamunuan ng Lemery Colleges, ang mga Iskolar ng Agoncillo ay mahuhusay sa pag-aaral, kita sa kanila ang pagpupursige at pinanghahawakan talaga nila ang nag aalab na damdamin ng isang Iskolar ng Bayan.



0 Comments