TINGNAN | Mayor Cindy Reyes, tatanggap ng parangal bilang Outstanding Local Chief Executive sa buong Pilipinas ngayong araw.
Kasalukuyang nasa SMX Convention Center sa Pasay ang mga kinatawan ng ating Lokal na Pamahalaan, mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Atty. Daniel D. Reyes at mga kawani ng MSWDO na pinamumunuan ni Ma'am Josalyn Cortez upang samahan ang ating minamahal na Ina ng Bayan.
Bahagi ng ika-28 na National Social Welfare Development Forum and General Assembly ng ALSWDOPI (ASSOCIATION OF LOCAL SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT OFFICERS OF THE PHILIPPINES, INC.) ang 28th Gawad Parangal kung saan kikilalanin ang mga natatanging personalidad sa buong Pilipinas na may malaking suporta at dedikasyon pagdating sa Social Welfare Services.
Maya-maya lamang ay pormal ng tatanggapin ni Mayor Cindy ang nasabing pagkilala. Isa itong patunay na ang serbisyong Tatak CVR ay ating maipagmamalaki saan mang bahagi ng ating Bansa. Tunay na ang mga taga Agoncillo ay mahusay!
Muli, Congratulations Mayor Cindy!



0 Comments