TINGNAN | LIBRENG BASKETBALL AT VOLLEYBALL CLINIC PARA SA MGA KABATAANG AGONCILLIAN, MAGSISIMULA NA.




 TINGNAN | LIBRENG BASKETBALL AT VOLLEYBALL CLINIC PARA SA MGA KABATAANG AGONCILLIAN, MAGSISIMULA NA.

Kumusta ga mga kababayan?
Eh kayo ga mga taking at tagay?
Ngayong bakasyon, hatid ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes ang libreng Basketball at Volleyball Clinic para sa kabataang Agoncillian!
Layunin ng pagsasanay na ito na mas mapaunlad pa ang kaalaman ng ating kabataan lalo na sa Basketball at Volleyball. Isa pa rito, nais ng ating lokal na pamahalaan na masulit nila ang kanilang bakasyon.
Sa mga nais pong lumahok, makipag-ugnayan lamang po kay Ma'am Charlyn Dela Luna, ang ating Municipal Tourism Officer. Magpadala ng mensahe o tumawag sa numerong nasa larawan!
Sali na!

Post a Comment

0 Comments