TINGNAN | Dagdag Serbisyo para sa ating mga kababayan mula sa ating Lokal na Pamahalaan at Land Transportation Office.





 TINGNAN | Dagdag Serbisyo para sa ating mga kababayan mula sa ating Lokal na Pamahalaan at Land Transportation Office.

Lumagda sa isang natatanging Memorandum of Agreement (MOA) ang ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, mga kinatawan ng Land Transportation Office at ang ating Sangguniang Bayan Secretariat, Ma'am Sheryn Velo upang madagdagan pa ang mga serbisyong ating maibibigay sa ating mga kababayan.
Ang nasabing MOA ay naglalayon na makatulong sa ating mga kababayan sapagkat maaari na nilang makuha ang mga available na plaka ng motor dito sa ating Lokal na Pamahalaan. Sa ganitong paraan, hindi na kinakailangan ng ating mga kababayan na magtungo pa sa ibang lugar upang makuha ang mga plaka nila galing LTO.
Pinapaalalahanan din po ang lahat na maghintay pa po sa mas mahahalaga pang anunsyo ukol sa usaping ito.

Post a Comment

0 Comments