TINGNAN | Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo,aktibong nakiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan.

 



TINGNAN | Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo,aktibong nakiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan.

"Babae sa lahat ng Sektor, Aangat ang bukas sa Bagong Pilipinas", ito ang tema ng pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan ngayong taon. Pinangunahan ng tanggapan ng MSWDO na pinamumunuan ni Ma'am Josalyn Cortez ang nasabing pagdiriwang na ginanap sa harapan ng V. Maligalig Legislative Building ngayong umaga.
Inumpisahan ito sa pamamagitan ng isang parada mula sa ating munisipyo paikot ng ating Pamilihang Bayan. Naroon din at aktibong nakilahok ang ating masipag at tapat na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes kasama ang ating Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel Reyes, ang masisipag na miyembro ng Sangguniang Bayan at mga kasapi ng ating Municipal Women's Coordinating Council.
Mabuhay ang bawat Juanang Agoncillo!
MABUHAY ANG MGA KABABAIHAN💜

Post a Comment

0 Comments