TINGNAN | CIVIL REGISTRATION SERVICE MOBILE OUTLET MULING BUMISITA SA ATING BAYAN.





 TINGNAN | CIVIL REGISTRATION SERVICE MOBILE OUTLET MULING BUMISITA SA ATING BAYAN.

Kasalukuyang isinasagawa sa ating G. Brotonel Events Center ang muling pagbibigay ng Serbisyo at pagtutulungan ng PSA at ng ating lokal na pamahalaan sa pangunguna ng Office of the Municipal Registrar na pinamumunuan ni Ms. Karen O. Olvina.
Higit sa isang daan nating mga kababayan ang nabigyan ng pagkakataong makapag ayos at makakuha ng mga dokumento nila sa PSA. Naroon din ang mga kinatawan ng PSA na abala naman sa National ID REgistration and ePhilID Verification Issuance.
Nagpapasalamat ang ating butihing Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton- Reyes sa inisyatibong ito at tulong mula sa PSA. Malaking katulungan ito sa ating mga kababayan at palagi tayong nakikipagtulungan sa ahensyang ito upang makapaghatid ng Magandang Serbisyo Publiko sa ating mga minamahal na kababayan.

Post a Comment

0 Comments