TINGNAN | Barangay Balangon, huling barangay kung saan ginanap ang Kumustahan sa Barangay.
Dito ay direktang tinalakay ng ating Punong Bayan, Pangalawang Punong Bayan, mga miyembro ng Sangguniang Bayan at mga Department Heads ang mga programa at ginagampanang tungkulin ng bawat isa sa pamunuan ng Barangay Balangon.
Malinaw nating naiparating sa mga kababayan natin sa barangay na ito sa pangunguna ni Kgg. Teodulo Humarang ang mga dapat nilang malaman. Nasa kumustahan din ang mga kinatawan ng PNP-Agoncillo at DepEd Agoncillo Sub-office.
0 Comments