Magandang Agoncillo, muli na namang tinanghal bilang "CHAMPION" sa katatapos lamang na Sinsay: SLP Trade Fair sa Mataas na Kahoy.






 KWENTONG BACK TO BACK: Magandang Agoncillo, muli na namang tinanghal bilang "CHAMPION" sa katatapos lamang na Sinsay: SLP Trade Fair sa Mataas na Kahoy.

Kanina ay natapos na ang ikalawang Sinsay: SLP Trade Fair na ginanap sa Mataas na Kahoy. Ito ay nilahukan ng higit apatnapung (40) SLP Organization sa buong lalawigan ng Batangas.
Ang KAPIT o Kapatirang Agoncillians Patungo sa Iisang Tagumpay mula sa Brgy. Subic Ibaba ang mga kinatawan ng ating Bayan. Katuwang ang mga miyembro ng Dekorador ng Lokal na Pamahalaan, muli na naman nating napagtagumpayan ang nasabing kompetisyon.
Tunay na agaw pansin ang ating booth mula sa makukulay nitong palamuti na nagpapakita ng tunay na ganda ng ating bayan hanggang sa magaganda at matatagumpay na kwento ng kabuhayan ng ating mga kababayan.
Matatandaan natin na noong nakaraang taon, tinanghal din tayong kampeon sa nasabing patimpalak. Ngayon, muli na naman nating pinatunayan na ang "Agoncillo ay Bayan ng Mananalo"!
Pagbati naman ang ipinaabot ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes kasama ang ating Pangalawang Punong Bayan, Atty. Daniel D. Reyes, mga miyembro ng Sangguniang Bayan at lahat ng kawani ng Lokal na Pamahalaan sa tagumpay na nakamit ng ating SLP Organization.
Congratulations Agoncillo!
Tunay na kay Ganda Mo!

Post a Comment

0 Comments