KAYO ANG MGA JUANA NG BAGONG PANAHON, MGA BABAENG TAPAT, MAY MALASAKIT AT MAAASAHAN.

 




KAYO ANG MGA JUANA NG BAGONG PANAHON, MGA BABAENG TAPAT, MAY MALASAKIT AT MAAASAHAN.

Noong Lunes (Marso 17), binisita at kinamusta ng mga miyembro ng ating Municipal Women's Coordinating Council(MWCC) ang ilan sa ating mga kababayan mula sa iba't ibang barangay.
Pinangunahan ito ng ating butihing Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes kasama ang ating masipag na Sangguniang Bayan member, Atty. Tagay Sarah Mendoza at mga miyembro ng MWCC-Agoncillo.
Naghatid din sila ng mga regalo sa kanila at kasabay nito ay ang maikling kumustahan. Sa ganitong pamamaraan, patuloy na nararamdaman ng ating mga kababayan sa lahat ng sektor na sila ay kasama din sa pag-angat at hindi nakakalimutan. Napapanahon ito sa tema ng 2025 National Women's Month na "Babae sa lahat ng Sektor, Aangat ang bukas sa Bagong Pilipinas".
Mabuhay ang kababaihan ng Bayan ng Magandang Agoncillo!

Post a Comment

0 Comments