Pagbisita ni Mayor Reyes sa Probinsya ng Rizal upang suportahan ang ating mga manlalaro sa larong softball na kalahok sa RAAM 2025.

 




TINGNAN | Pagbisita ni Mayor Reyes sa Probinsya ng Rizal upang suportahan ang ating mga manlalaro sa larong softball na kalahok sa RAAM 2025.

Kanina ay personal na binisita ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes kasama ang ating Municipal Information Officer Sir Christian Dave N. Luya at Kuya Aphol Sangalang ang ating mga minamahal na manlalaro ng Softball Elementary na siyang kinatawan ng lalawigan ng Batangas sa RAAM 2025. Ang nasabing laro ay ginanap sa Baras Elementary School, Baras, Rizal.
Pinakita ng ating mga atleta ang kanilang natatanging husay, dedikasyon at pagpupursige upang maipanalo ang bawat laban. Hindi man pinalad ang ating koponan kanina sa laban nila ng koponan ng Imus, Nananatiling proud ang ating mahal na Mayora dahil alam niya ang pinagdaanan ng ating mga manlalaro at hindi biro ang makapasok sa laban na ito. Bukas, muli silang lalaban sa koponan ng General Trias upang masungkit ang ikatlong pwesto.
Personal ding nakadaupang palad ng ating Punong Bayan sina Teacher Rose, Sir Peter, Ma'am Cyrell, Sir Mark Anthony at mga School Heads na sina Ma'am Jen, Ma'am Gina at Sir Aga upang kumustahin sila at bisitahin.
Congratulations mga Atletang Agoncillian! ❤️

Post a Comment

0 Comments