TINGNAN | Shelter Repair Kit para sa mga kababayan nating mayroong Partially Damaged houses sa Bilibinwang at Subic Ilaya ipinamahagi ng Australian Aid ,Department of Human Settlements and Urban Development, International Organization of Migration at ng Lokal na Pamahalaan.
May kabuuang 236 ang beneficiaries na nakatanggap ng Shelter Repair Kits (SRK). Ang mga nasabing benes ay in-assess ng taga IOM may dalawang buwan na ang nakakaraan, at vinalidate bago ang araw na ito. Sila ang pumili ng mga qualified beneficiaries.
Bukod sa SRK na ipinamahagi, meron ding matatanggap na cash ang mga benes. Ganun din, binigyan sila ng orientation para sa “Build Back Better” na nakapaloob din sa pamphlets na ipinamahagi sa kanila. Ito ay naglalayon na turuan sila na mas patibayin ang kanilang mga itatayo o irerepair na bahay.
Nagsama-sama sa bulwagan ng Barangay Subic Ilaya at Bilibinwang ang ating mga kaibigan mula sa Australian Aid, DHSUD, at IOM upang maghatid ng tulong sa ating mga kababayan na nasalanta ng Bagyong Kristine. Katuwang ang ating Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes, Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel D. Reyes kasama ang masisipag na miyembro ng Sangguniang Bayan at ang Pamahalaang Barangay ng Subic Ilaya na pinamumunuan ni Kgg. Mario Almanzor at Bilibinwang na pinamumunuan naman ni Kgg. Cresing Almanzor.
Samantala, under validation na din ang para sa mga kababayan natin mula Banyaga at Subic Ibaba na makakatanggap din ng assistance ayon sa tanggapan ng MSWD na pinamumunuan ni Ma'am Josalyn Cortez.
0 Comments