TINGNAN | Pagbisita ng mga kinatawan ng ating Lokal na Pamahalaan sa University of the Philippines-Diliman.





 TINGNAN | Pagbisita ng mga kinatawan ng ating Lokal na Pamahalaan sa University of the Philippines-Diliman.

Kanina ay nagtungo at personal na nakipag ugnayan ang mga kinatawan ng ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni Dr. Noel Mendoza sa UP NOAH Center -UP Resilience Institute upang makipag-ugnayan at alamin ang mga paghahanda, plano at proyekto na dapat nating isaalang-alang at siyang tutulong sa atin upang matukoy ang mga ligtas na lugar sa ating bayan.
Sa pamamaraan at inisyatibong ito ng ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes kasama ang ating Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel D. Reyes, mas mabibigyang pansin ang mga proactive at science-based disaster risk reduction initiatives na kakailanganin ng ating bayan.
Makabago at Maayos kung maituturing ang pakikipagtulungan natin sa UP NOAH (Nationwide Operational Assessment of Hazards). Magiging daan ito upang malaman ang mga dapat gawin at paghandaan, tungo sa isang mas ligtas at mas matatag na Agoncillo.

Post a Comment

0 Comments