KUMUSTAHAN SA BARANGAY SA BANYAGA: ISANG PARAAN NG PAGLIKHA NG MGA MASAYAHIN, MALULUSOG AT MAPAGKAKATIWALAANG MGA LINGKOD BAYAN.




 KUMUSTAHAN SA BARANGAY SA BANYAGA: ISANG PARAAN NG PAGLIKHA NG MGA MASAYAHIN, MALULUSOG AT MAPAGKAKATIWALAANG MGA LINGKOD BAYAN.

Maaalala natin na noong nakaraang taon ay sinimulan ng ating butihing Punong Bayan ang isang programa na mag-uugnay sa Bayan at sa Barangay, ang Kumustahan sa Barangay.
Ngayon, nakakatuwa para sa mga kinatawan ng Lokal na Pamahalaan na marating na ang Brgy. Banyaga matapos ang mga pinagdaanan nito. Bagaman maraming pinagdaanan, makikita natin na malayo na ang nararating ng Banyaga at unti-unti ay nakakabangon na sila. Ito ay dahil sa pamumuno ng kanilang mga Brgy. Officials sa pamumuno ng masipag at mahusay na Kgg. Benigno "Ben" Palicpic.
Nagpupugay din ang mga kinatawan ng Lokal na Pamahalaan sa masisipag na opisyal ng Brgy. Banyaga sa kanilang di matatawarang dedikasyon upang makapaglingkod sa kanilang mga kabarangay.
Nagbahagi ang ating mga Department Heads ng kanilang mga programa at ginagawa ng kanilang mga opisina at dito ay nabigyang linaw ang mga kababayan natin sa Banyaga kung kanino lalapit kapag mayroon silang kailangan.
Isang paglilingkod na tapat, mahusay at tunay na mapapagkatiwalaan. Ito ang panata ng bawat isang lingkod bayan ng minamahal nating Magandang Agoncillo.

Post a Comment

0 Comments