Tinanggap ng ating butihing Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes at Tourism Officer Charlyn Dela Luna mula sa CoinEx Charity ang isang starlink device para sa LGU Agoncillo




 Tinanggap ng ating butihing Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes at Tourism Officer Charlyn Dela Luna mula sa CoinEx Charity ang isang starlink device para sa LGU Agoncillo, kahapon December 23, 2024.

Napili ng kanilang grupo ang ating bayan na pagkalooban nito sa pamamagitan ng kanilang Starlink Program, A Bridge to Hope.
Ang nasabing device ay magagamit na wifi connection na maaaring gumana kahit may bagyo o walang kuryente. Bagamat ito ay nangangailangan ng monthly subscription, malaking bagay na ang mismong device ay hindi na bibilhin.
Matatandaan na isa sa naging mahirap sa ating lahat na nawalan ng signal ang mga telcos noong nag-bagyuhan.

Post a Comment

0 Comments