SEMINAR ON ANTI-ILLEGAL RECRUITMENT AND TRAFFICKING IN PERSONS NG DEPARTMENT OF MIGRANT WORKERS, ISINAGAWA NG LOKAL NA PAMAHALAAN KATUWANG ANG PESO AT MSWDO


Kasalukuyang ginaganap sa ating G. Brotonel Events Center ang Seminar on Anti-Illegal Recruitment (AIR) and Trafficking In Persons (TIP) ng Department of Migrant Workers na pinangunahan ng Regional Director ng DMW Region IV-A at personal na kaibigan ng ating Punong Bayan at Pangalawang Punong Bayan na si Atty. April R. Casabuena.
Dinaluhan ito ng ating mga masisipag na Brgy. Chairman at mga Brgy. Functionaries. Nasa isinasagawang Seminar din ang ating butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes at Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel D. Reyes. Naroon din ang Committee Chair on Public Employment ng Sangguniang Bayan na si Atty. Sarah Pauline “Tagay Sarah” Mendoza.
Sa pagtutulungan ng Public Employment Services Office Manager na si Ma’am Mercy Punzalan at ng ating Municipal Social Welfare and Development Office na pinumumunuan ni Ma’am Josalyn Cortez, kaagapay si Ma’am Mary Ann Magsino ay naisakatuparan natin ang seminar na ito na naglalayong mabigyan ng impormasyon at kaalaman ang atong mga mamamayan tungkol sa usapin mg Illegal Recruitment at Trafficking.
Samantala, ginawaran din ng Sertipiko ng Pagkilala ang ating Lokal na Pamahalaan sa aktibo at buong puso nitong pagsuporta sa Department of Migrant Workers lalo’t higit sa AIR-TIP Campaign.
0 Comments