MODULAR DISTANCE LEARNING, IPINATUPAD DAHIL SA NAGANAP NA PAGPUTOK NG BULKANG TAAL



 MODULAR DISTANCE LEARNING, IPINATUPAD DAHIL SA NAGANAP NA PAGPUTOK NG BULKANG TAAL

🇵🇭✨
Labing pito (17 ) o lahat sa ating mga paaralan ang nagpatupad ng Modular Distance Learning o MDL ngayong umaga dahil sa naganap na Steam-driven o Phreatic na pagputok ng Bulkang Taal. Ito ay ayon sa ating Public Schools District Supervisor Dr. Maria Melissa Ariola.
Kaninang ika-5:58 ng umaga, nagbuga ng makapal na usok ang bulkang Taal.
Ang ating lokal na pamahalaan sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes kasama ang MDRRMO ay patuloy ang pagpapa-alala sa ating mga kababayan na maging alerto at handa.
Ayon sa PHIVOLCS, ang estado ng bulkan ay nananatili sa Alert Level 1.

Post a Comment

0 Comments