JOINT MEETING NG MWQMT, MSWMB, MPOC, MADAC AT MDRRMC


Pinangunahan ng ating Pambayang Administrador Dr. Noel Mendoza kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga Department Heads, mga Punong Barangay, DILG-Agoncillo,kinatawan ng PNP, BFP, PCG, at mga Police Multipliers ang Joint meeting ng mga miyembro ng Municipal Water Quality Monitoring Unit (MWQMT), Municipal Solid Waste Management Board (MSWMB), Municipal Peace and Order Council, (MPOC), Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC), at Municipal Disaster and Risk Reduction Management Council (MDRRMC) na kasalukuyang isinasagawa sa G. Brotonel Events Center.
Ang isinasagawang pagpupulong ay daan upang maiparating sa ating mga kababayan ang mga mahahalagang impormasyon ng iba’t ibang ahensya ukol sa kanilang mga isinusulong na gawain, programa at naisakatuparang mga panukala.
Naipakita at naiparating ng mga kinatawan ng lokal ng pamahalaan ang mahahalagang bahagi ng kanilang mga ulat. Binuksan din ng ating Pambayang Agrikultor ang usapin tungkol sa kahalagahan ng pagrerehistro ng mga inaalagaang hayop gaya ng baboy. Patuloy rin ang paghingi nila ng suporta sa ating mga butihing Punong Barangay.
Bilang pagwawakas, ibinalita din ng ating Pambayang Admistrador Dr. Noel Mendoza na nagbigay ang Probinsya ng pondo para sa Flood Control System and Construction of Slope Protection system na may halagang 5,000,000.00.
0 Comments