BULKANG TAAL, NANANATILING ALERT LEVEL 1





 BULKANG TAAL, NANANATILING ALERT LEVEL 1

🇵🇭✨
Ayon sa ating MDRRMO sa pangunguna ni Sir Junfrance De Villa at sa pakikipagtulungan nila sa PHIVOLCS, nananatiling Alert Level 1 ang bulkang Taal.
Nagtungo agad ang kinatawan ng Lokal na Pamahalaan sa Barangay Banyaga upang kumustahin ang ating mga kababayan doon at alamin ang kasalukuyang kalagayan ng bulkang taal.
Ayon kay Kgg. Ben Palicpic, Punong Barangay ng barangay Banyaga, kanina ay sumimoy ang amoy ng Sulfur at nagkaroon ng pag-ulan ng putik sa kanilang barangay. Agad silang nakipag-ugnayan sa kinatawan ng DepEd upang ibalita ang kalagayan ng barangay kaya naging MDL ang klase ngayong araw.
Patuloy pong pinag-iingat ang lahat.

Post a Comment

0 Comments