BAYAN NG AGONCILLO, KINILALA NG GSIS BILANG ISA SA MGA TOP PERFORMING AGENCIES SA BATANGAS 🇵🇭✨

 






BAYAN NG AGONCILLO, KINILALA NG GSIS BILANG ISA SA MGA TOP PERFORMING AGENCIES SA BATANGAS

🇵🇭✨
Kahapon ay isinagawa sa Rizal Ballroom ng Batangas Country Club ang Pagpupugay sa mga kaagapay ng GSIS at dinaluhan ito ng ating butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes kasama ang mga masisipag na kawani ng ating lokal na pamahalaan na sina Ma’am Mila Skipper, ang ating General Services Officer/ Municipal Budget Officer, Ma’am Miriam Macatangay mula sa Accounting Office at Ma’am Andrea Juliet Crisostomo mula sa tanggapan ng ating Punong Bayan.
Tinanggap nila ang isang sertipiko ng pagkilala na nagsasabing ang ating bayan ay isa sa mga Top Performing Agencies sa larangan ng Collection Effeciency on Loans and No Past Due Loan Accounts sa sektor ng Local Government Unit.
Pagbati po sa mga tapat at mahuhusay na kawani ng ating Lokal na Pamahalaan. Isa itong patunay na sa tapat nating paglilingkod, tagumpay ay ating naaabot!
Mabuhay ang Agoncillo🇵🇭✨

Post a Comment

0 Comments