AGONCILLO, PATULOY NA NAMAMAYAGPAG AT UMUUNLAD πŸ‡΅πŸ‡­✨



 AGONCILLO, PATULOY NA NAMAMAYAGPAG AT UMUUNLAD

πŸ‡΅πŸ‡­✨
“Lahat ng ating ginagawa ay para sa bayan, para sa bawat Agoncillian. Taas Noo nating sinasabi na ang ating pamahalaan ay naglilingkod ng tapat sa Diyos at sa Bayan”-Ito ang laging sinasabi ng ating butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes kapag tinatanong siya kung ano nga ba ang sikreto ng kanyang mahusay at tapat na panunungkulan.
Mga Kababayan!
Sa bisa ng kalalabas lamang na Income Classification ng Department of Finance Order No. 074-2024, naiangat na natin ang antas ng ating bayan mula sa ika-apat ay mahusay natin itong nadala sa 2nd Class Municipality!
Isang natatanging araw na dapat nating ipagpasalamat lalo’t higit sa Poong Lumikha, sa mga patuloy na sumusuporta at nagtitiwalang Agoncillian, gayundin ay pasasalamat sa ating mga kaibigang taxpayers at business investors.
Ito ay bunga ng kasipagan, tapat na paglilingkod at pagmamahal ng ating butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes, Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel D. Reyes, mga miyembro ng Sangguniang Bayan at lahat ng kawani ng ating Lokal na Pamahalaan.
Para sa iyo Mahal naming Agoncillo.
Muli, sama-sama nating iangat pa ang ating bayan. Pagtibayin natin sa ating mga puso ang pagmamahalan, pagkakaisa at pagsusumikap na maging mabuting mga mamamayan na tapat sa Diyos at sa Bayan.
Congratulations Magandang Agoncillo.
Patuloy ninyong mararamdaman ang aming pangakong Mas Magandang Agoncillo, Mas Magandang Serbisyo Publiko. Patuloy nawang sumaatin ang pagpapala ng Poong Maykapal.

Post a Comment

0 Comments