TULONG PINANSYAL MULA SA CITY GOVERNMENT OF MUNTINLUPA AT 1 MUNTI PARTY LIST 🇵🇭✨





 TULONG PINANSYAL MULA SA CITY GOVERNMENT OF MUNTINLUPA AT 1 MUNTI PARTY LIST

🇵🇭✨
Dumating sa ating bayan ang mga kinatawan ng City Government of Muntinlupa sa pangunguna ni City Mayor Ruffy Bianzon upang mag-abot ng tulong pinansyal. Dinala at personal na iniabot ni City Councilor Ivee Rhea Arciaga- Tadefa ang limang daang libong piso (₱500,000.00) kasama ang 1Munti Partylist na nagbigay ng relief goods para sa mga ating mga manlalaro.
Tinanggap ng ating butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes ang donasyong ito kasama ang ating masipag na pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel D. Reyes, Kgg. Tagay Sarah Mendoza, mga manlalaro, coaches at kanilang mga magulang.
Maraming salamat City Government of Muntinlupa at 1Munti Party list!

Post a Comment

0 Comments