SAMA-SAMA SA PAGPAPANUMBALIK NG MAGANDANG AGONCILLO 🇵🇭✨





 SAMA-SAMA SA PAGPAPANUMBALIK NG MAGANDANG AGONCILLO

🇵🇭✨
Pinangunahan ng ating butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes ang isang pagpupulong tungkol sa mga aksyon na gagawin ng lokal na pamahalaan para sa rehabilitasyon ng ating bayan. Isinagawa ang pagpupulong sa Vicente Maligalig Legislative Building kaninang umaga.
Nasa pagpupulong din ang ating Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel Reyes, Kon. Kidlat Caringal, Pambayang Administrador Dr. Noel Mendoza, mga Department Heads, kinatawan ng PNP-Agoncillo at DepEd Agoncillo sub-office.
Sa nasabing pagpupulong ay natalakay ang iba’t ibang usapin. Isa na rito ay ang i-maximize ang lahat ng operasyon ng lokal na pamahalaan lalo’t higit ang paglilinis at pagsasa-ayos ng ating mga pangunahing kalsada. Napag-usapan din nila ang kalagayan ng mga paaralan na nagsilbing evacuation centers sa ating mga kababayan. Binabalak ng ating pamahalaan na isaayos at ilipat ang mga kababayan natin na nasa mga paaralan (Evacuation Center) upang bigyang daan naman ang pag-aaral ng ating mga mag-aaral na kasalukuyang nasa ilalim ng Modular Distance Learning.
Kasabay nito, tuloy pa din ang panawagan ng ating lokal na pamahalaan sa mga kababayan natin na may kakayahan na tumulong sa pagkukumpuni at pagsasa-ayos ng mga nasirang tahanan upang matugunan ang pangangailangan ng mga nasiraan ng bahay.
Hindi po tumitigil ang ating munisipyo sa pag-iisip ng mga hakbang at paglapit sa mga ahensya na makakatulong sa atin upang maibalik natin ang Magandang Agoncillo.
Sama-sama tayong lahat sa pagpapanumbalik ng isang Magandang Agoncillo. 🙏🏻

Post a Comment

0 Comments