REGIONAL TRAINING ROLL OUT of the OPERATION LISTO
Dumalo ang ating butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes kasama ang ating DILG-MLGOO Sir Alberto Sandoval, Police Major Broderick Noprada, BFP-Agoncillo Head Sir Jasper Gengos at MDRRM Officer Sir Junfrance De Villa sa Regional Training Rollout of the Operation LISTO: Disaster Preparedness Manual sa Queen Margarette Hotel, Lucena, City ngayong araw, Agosto 28, 2024.
Isa sa palagiang mandato ng ating Punong Bayan ang isang ligtas na pamayanan sa bawat Agoncillian. Ang kanilang pakikiisa sa programang ito ay magdadagdag sa kanilang mga kaalaman upang mas lalong maging handa sa anumang sakuna.
Dahil sa kanilang aktibong pakikiisa sa mga gawain ay kinilala rin sila na kasama sa Top 3 municipality.
Sama-sama tayo tungo sa isang ligtas at mapayapang Magandang Agoncillo.
0 Comments