PAALALA MULA SA ATING LOKAL NA PAMAHALAAN
Pinag-iingat ang mga residente ukol sa mataas na antas ng sulfur dioxide emission mula sa Taal Volcano na nagdudulot ng VOLCANIC SMOG or VOG.
-Pangangati ng lalamunan.
-Hirap sa paghinga.
Ang VOG ay masama sa kalusugan na maaring magdulot ng iritasyon sa mga mata, lalamunan at respiratory tract na maaring maging malubha depende sa konsentrasyon o tagal ng pagkalanghap.
Hanggat maari ay manatili lamang sa loob ng tananan.
Malaki din ang maitutulong ng pagsusuot ng Face Mask kung kinakailangan.
Uminom ng maraming tubig upang maibsan ang iritasyon o paninikip ng daluyan ng paghinga
Magtungo agad sa pinakamalapit na health center o hospital sakaling makaramdam ng hirap ng paghinga o iba pang kondisyon dulot ng volcani smog.
Alamin ang mga dapat gawin para ma-protektahan ang sarili. Manatiling HANDA at ALERTO!*
0 Comments