MGA LEKTOR NG LGU PARA SA CIVIL SERVICE EXAMINATION REVIEW, KINILALA.
Isa sa naging programa ng ating butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes ang bigyan ng libreng Review ang mga kawani bilang paghahanda sa papalapit na Civil Service Examination.
Bihira ang mga Lokal na Pamahalaan na nagbibigay ng ganitong pagkakataon sa kanilang mga empleyado, isang inisyatibong naglalayong mas mapaunlad pa ang mga lingkod bayan at gawin silang mas kapaki-pakinabang.
May mga ilan din tayong kababayan na hindi empleyado ng Lokal na Pamahalaan na lumahok sa nasabing review. Nagbahagi din ang ating Punong Bayan ng mga Examination Kit na magagamit ng mga kukuha ng pagsusulit.
0 Comments