MALIGAYANG IKA-122 KAARAWAN MINAMAHAL NAMING MAYOR JACINTO MENDOZA 🇵🇭✨

 


MALIGAYANG IKA-122 KAARAWAN MINAMAHAL NAMING MAYOR JACINTO MENDOZA

🇵🇭✨
Bahagi ng ating kasaysayan at buhay bilang mga Taga-Agoncillo ang isang pangalang hindi maaalis sa ating mga isip, Isang tao na mayroong natatanging pagmamahal sa ating mga kabababayan. Isang bayani ng ating lahi! Pagpupugay sa Ama ng ating minamahal na Bayan ng Agoncillo!
Sa baybayin ng Lawa ng Taal, isang bayan ang patuloy na namamayagpag at umuunlad. Isang bayang nilikha ng magiting na bayani ng ating lahi. Nagpunyagi upang Magandang Agoncillo ay maideklara noong ika-7 ng Abril 1949.
Maligayang ika-122 Kaarawan Mayor Jacinto M. Mendoza!
Ang iyong natatanging ambag sa buhay ng bawat Agoncillian ay ugat ng aming pagkakakilanlan. Ang iniwan mong Bayan ay malayo na ang nararating at sinasapit na ang kaunlaran sa tulong ng mga haliging tapat sa paglilingkod sa Diyos at sa Bayan.
Ang ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes, Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel Reyes, Pambayang Administrador Dr. Noel Mendoza, mga Pinuno ng bawat Departamento at lahat ng kawani ay sumasaludo't nagpupugay sa iyong kadakilaan.
Maraming Salamat at Maligayang Kaarawan "Amang Sinto" 🇵🇭

Post a Comment

0 Comments