DEDIKASYON, SUPORTA, AT PAGMAMAHAL: ATTY. CINDY REYES DUMALO SA LINGGO NG KABATAAN CULMINATING ACTIVITY.




 DEDIKASYON, SUPORTA, AT PAGMAMAHAL: ATTY. CINDY REYES DUMALO SA LINGGO NG KABATAAN CULMINATING ACTIVITY.

"Ang Kabataan ang Pag-Asa ng Bayan" Ito ang isa sa mga magiting na salita ng ating Pambansang Bayani, Dr. Jose Rizal.
Dumalo ang ating butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes upang magpakita ng suporta at pagmamahal sa ating mga kabataan sa kasalukuyang isinasagawang Linggo ng Kabataan Youth Dance Competition at Culminating Activity sa Batangas Provincial ngayong araw.
Kasama ang ating masipag na Sangguniang Kabataan Federation President Kgg. John Mark Hernandez, mga Sangguniang Kabataan Chairperson ng ibat-ibang barangay, Local Youth Development Officer Ms. Jumaline Alilio,Local Youth Development Council Agoncillo, Information Officer Sir Christian Dave Luya upang magbigay ng suporta sa ating mga kalahok sa isasagawang Youth Dance Competition na nilahukan ng mga mag-aaral ng Coral na Munti National High School sa ilalim ng patnubay ng kanilang butihing tagapagsanay Ma'am Mary Jane Bolilan.
Ang nasabing Youth Dance Competition ay nilahukan ng 7 mga Bayan at Lungsod sa ating probinsya. Layunin ng Sangguniang Kabataan Provincial Federation na maipakita at maimulat na ang bawat kabataang Batangueño ay pag-asa ng isang magiting at matatag na pamayanan.
#SANAALL naman ang nabanggit ni Ma'am Fredesvinda Mendoza (PGDH-PACPEYSD) ng ipaabot nya sa lahat ng nasa Auditorium na tanging si Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes ang Punong Bayan na dumalo sa nasabing pagdiriwang. Isa pagpapakita na ang ating butihing Punong Bayan ay palaging inuuna ang kapakanan ng ating mga kabataan at kababayan lalo't higit sa mga aspetong magpapaunlad sa kanilang pagkatao at talento.
Mabuhay ang Sangguniang Kabataan ng Bayan ng Agoncillo🇵🇭✨

Post a Comment

0 Comments