BAYAN NG AGONCILLO, KINILALA NG MOTHER-BABY FRIENDLY CALABARZON SA MOTHER-SUPPORT GROUP INITIATIVE 🇵🇭✨

 






BAYAN NG AGONCILLO, KINILALA NG MOTHER-BABY FRIENDLY CALABARZON SA MOTHER-SUPPORT GROUP INITIATIVE

🇵🇭✨
Pagbati at Pagpupugay sa ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating Municipal Health Office na pinamumunuan ng ating masipag na Dr. Richard Landicho sa katatapos lamang na 2nd Regional Mother-Baby Friendly CALABARZON Stakeholders Forum and Awarding Ceremony na ginanap sa Dusit Thani, Manila ngayong araw.
Isa ang ating Bayan sa pitong bayan at lungsod ng ating Probinsya na nakatanggap ng isang natatanging pagkilala mula sa Mother-Baby Friendly CALABARZON. Ang mga sumusunod ay ang: Lungsod ng Batangas, Lungsod ng Santo Tomas, Lungsod ng Calaca, Bayan ng Alitagtag, Bayan ng Taal, Bayan ng Taysan at ang minamahal nating Bayan ng Agoncillo.
Muli na namang pinatunayan ng ating Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ng ating Butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes, Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel D. Reyes kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Pambayang Administrador Dr. Noel Mendoza, bawat kawani lalo't higit ang mga kawani ng Municipal Health Office na patuloy tayong tumatalima sa ating sinumpaang pangako sa ating mga kababayan, ang paglingkuran sila ng tapat at buong dedikasyon.
Tinanggap nina Nurse Ella Padua at Nurse Krissel Caringal ang natatanging pagkilala bilang kinatawan ng ating Lokal na Pamahalaan.
Ito ay para sa inyo, aming mga kababayan!
Congratulations Agoncillo!

Post a Comment

0 Comments