AGONCILLO DANCE TROUPE WAGI SA YOUTH DANCE COMPETITION SA BATANGAS CITY 🇵🇭✨

 



AGONCILLO DANCE TROUPE WAGI SA YOUTH DANCE COMPETITION SA BATANGAS CITY

🇵🇭✨
Kinilala sa ating Flag Raising Ceremony ngayong umaga ang Agoncillo Dance Troupe mula Coral na Munti National High School sa kanilang pagkapanalo sa isinagawang Youth Dance Competition noong Linggo ng Kabataan at nakuha nila ang ikatlong pwesto.
Ang ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes, Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel D. Reyes, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Pambayang Administrador Dr. Noel Mendoza, mga pinuno ng bawat departamento at bawat kawani ay bumabati sa kanilang husay at natamong tagumpay!
Maraming salamat sa pagbibigay karangalan sa ating bayan, Agoncillo Dance Troupe!

Post a Comment

0 Comments