Welcome po sa ating Agoncillo RHU Teen Health Kiosk at sa bayan ng Agoncillo , Municipal Health Office ng San Luis!





 Welcome po sa ating Agoncillo RHU Teen Health Kiosk at sa bayan ng Agoncillo , Municipal Health Office ng San Luis!

Noong July 4,2024 ay nagsagawa ng benchmark visit sina Dr. Salvador Atanacito Lasala- Municipal Health Officer, Janel Badillo - Nurse 1, Evangelyn Vergara -Midwife III, Richela Delos Reyes-Midwife 1 mula sa Municipal Health Office ng San Luis sa Agoncillo RHU Teen Health Kiosk.Nag courtesy visit din sila kay Ms Angelica Anne Leonor, HRMO III at sa ating butihing Mayora, Hon. Atty. Cinderella Valenton- Reyes.
Ang benchmark visit na ito ay unang hakbang upang masimulan nila ang paglalagay sa kanilang bayan ng Adolescent Friendly Health Facility/ Teen Health Kiosk , ang safe space para sa mga kabataan kung saan pwede mong i-share ang iyong nararamdaman ng hindi ka huhusgahan.
Ipinakita ni Nurse Ella Rafaela A. Padua, Adolescent Health and Development Program Manager at Dr. Richard Landicho ang set-up ng kiosk at mga kailangang dokumento upang makamit ang Level 1 accreditation.
Layunin ng THK na magbigay gabay, health education at iba pang programa para sa mga kabataan. Ito ang siyang magiging daan para sila ay magkaroon ng kumpiyansa sa sarili at magkaroon ng bukas na kaisipan para sa mga mahahalagang bagay na makatutulong sa estado ng kalusugan ng kaisipan.
Patunay ito sa dedikasyon ng ating pamahalaang lokal na makamit ng bawat Agoncillians ang pagkakaroon ng magandang kinabukasan sa pamamagitan ng kalusugang pisikal at mental.

Post a Comment

0 Comments