SOCCSKSARGEN HINDI NAKALIGTAS SA HUSAY NG MGA ATLETANG AGONCILLIAN SA PALARONG PAMBANSA 2024 sa Cebu City | 6-0 🇵🇭✨






 SOCCSKSARGEN HINDI NAKALIGTAS SA HUSAY NG MGA ATLETANG AGONCILLIAN SA PALARONG PAMBANSA 2024 sa Cebu City | 6-0

🇵🇭✨
Muli na namang pinatunayan ng ating mga ipinagmamalaking atleta ng Softball Elementary mula Subic Elementary School ang kanilang natatanging husay sa larong softball matapos talunin ang SOCCSKSARGEN Region sa Palarong Pambansa 2024 na ginaganap sa Cebu City.
Ang ating mga manlalaro ang siyang kumakatawan sa Rehiyon ng CALABARZON. Ito na ang kanilang ikatatlong laban kaya naman mayroon na silang standing na 3-0. Sa bilis ng takbo at sa mala-kidlat na hagupit ng mga palo ng ating mga atleta ay tunay na kaya nating makuha ang panalo, sinamahan pa ito ng dikdikang training at hindi mabasang tactics ng kanilang mahuhusay na coaches and trainers.
Hangad at Dasal naming palagi ang inyong tagumpay!
Iuwi ninyo ang Tropeyo ng Palarong Pambansa!
Buong puso kayong ipinagmamalaki ng ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes at Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel D. Reyes!
Mabuhay ang manlalarong Agoncillian!
📷Rosemarie Del Mundo

Post a Comment

0 Comments