PAGPAPALIKAS SA MGA KABABAYAN NATIN SA BILIBINWANG, ISINAGAWA NG LOKAL NA PAMAHALAAN 🇵🇭✨






 PAGPAPALIKAS SA MGA KABABAYAN NATIN SA BILIBINWANG, ISINAGAWA NG LOKAL NA PAMAHALAAN

🇵🇭✨
10:42 PM | BILIBINWANG, Upang masiguro ang kaligtasan ng ating mga kababayan, minabuti ng ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng MSWDO, PIO at MDRRMO kasama ang PNP at Philippine Army na palikasin ang mga kababayan natin sa Sitio Singkaran, Bilibinwang, Agoncillo, Batangas.
Kasama ang Pamahalaang Barangay ng Bilibinwang na pinumunuan ni Kgg. Cresencio Almanzor ay dinala natin sa mas ligtas na lugar ang Pamilya Ramirez upang maiwasan ang panganib na maaaring idulot ng landslide. Makikitang ang kanilang bahay ay nasira matapos mabagsakan ng bahagi ng bundok na malapit sa kanilang bakuran.
Patuloy pong pinag-iingat ang lahat. Maging Alerto at Handa Agoncillians!

Post a Comment

0 Comments