PAGBISITA NG ATING PANGULO SA BATANGAS
Personal na Bumisita at nagpaabot ng tulong ang ating butihing Pangulo ng Republika ng Pilipinas Ferdinand "Bong Bong" R. Marcos Jr. sa bayan ng San Jose, Batangas para sa kanyang natatanging programa ng pag-aabot ng tulong sa mga magsasaka at mangingisda na lubhang naapektuhan ng El Niño noong mga nakaraang buwan.
Higit animnapung mga magsasaka at mangingisda ang nabigyan ng tulong pinansyal ng ating minamahal na Pangulo. Tumanggap sila ng ₱10,000, at limang kilong bigas mula sa tanggapan no PBBM.
Asahan nyo po ang paglapit ng ating Lokal na Pamahalaan sa iba't ibang ahensya, pampubliko man o pribado para patuloy na makapaghatid ng tulong sa ating mga kababayan, isang pangako ng Magandang Agoncillo, MagandangSerbisyo Publiko.
Maraming Salamat po PBBM!


0 Comments