MUSIKAHAN WITH KUYA RYAN 🎼✨




 


MUSIKAHAN WITH KUYA RYAN

🎼✨
Tunay na ikinasaya ng ating mga kabataan ang libreng Organ playing tutorial na hatid ni Kuya Ryan Aala mula sa aing General Services Office na ginaganap sa ating V. Maligalig Legislative Building Conference Room.
Isa sa mga programa ng ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes ang magbigay ng mga libreng gawain na makakapaglinang ng talento ng ating mga kabataan.
Sa mga programang ito, mas masisiguro nating mas magiging makabuluhan ang mga libreng oras ng ating mga bata lalo na't bakasyon nila ngayon.

Post a Comment

0 Comments