LANDSLIDE SA SUBIC ILAYA: APAT NA KATAO BINAWIAN NG BUHAY.
Malungkot na pangyayari ang bumungad sa ating Lokal na Pamahalaan at sa mga residente ng Barangay Subic Ilaya sapagkat apat nating kababayan ang di inaasahang binawian ng buhay matapos ang insidente ng Landslide sa Sitio Manalao, Subic Ilaya.
Ang mga biktima ay miyembro ng Pamilya Rimas, Isang anim na buwan buntis na may edad na 28, at tatlong menor de edad na may edad na 9, 13 at 15.
Patuloy ang pagpapalikas ng ating Lokal na Pamahalaan sa mga kababayan natin na naroon sa nasabing lugar.
Ibayong pag-iingat po ang ating palagiang gawin.
0 Comments