KOPONAN NG AGONCILLO SOFTBALL ELEMENTARY PASOK SA QUARTER FINALS NG PALARONG PAMBANSA 2024, ZPRAA TINALO. 🇵🇭✨





 KOPONAN NG AGONCILLO SOFTBALL ELEMENTARY PASOK SA QUARTER FINALS NG PALARONG PAMBANSA 2024, ZPRAA TINALO.

🇵🇭✨
Muli na namang gumawa ng ingay ang koponan ng AGONCILLO Softball Elementary mula Subic Elementary School sa Palarong Pambansa 2024 sa Cebu City matapos talunin ang kinatawan ng Zamboanga Peninsula Region (ZPRAA) kanina.
Tuluyang nasungkit ng ating mga manlalaro ang isang pwesto para sa Quarter Finals ng nasabing palaro at mataas ang ating paniniwala na maiuuwi ng ating mga manlalaro ang medalya na magbibigay ng kasayahan at karangalan sa ating bayan sa larangan ng Softball.
Ang lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton Reyes at Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel D. Reyes kasama ang ating Municipal Administrator Dr. Noel D. Mendoza, mga Department Heads lalo't higit si Engr. Cesar Enriquez at mga kawani ay buong pusong sumusuporta at nagpupugay sa ating mga manlalaro, kanilang mga magulang , mga coaches at trainers!
Congratulations Team!
📷Team Agoncillo Softball Baseball

Post a Comment

0 Comments