INAUGURATION AT ACCREDITATION NG KAUNA-UNAHANG COMMUNITY-BASED TEEN HEALTH KIOSK SA AGONCILLO, BATANGAS





 INAUGURATION AT ACCREDITATION NG KAUNA-UNAHANG COMMUNITY-BASED TEEN HEALTH KIOSK SA AGONCILLO, BATANGAS

🇵🇭✨
Isinagawa ang Inauguration at Accreditation ng kauna-unahang Community Based Teen Health Kiosk sa bayan ng Agoncillo na matatagpuan sa Brgy. Subic Ibaba, Agoncillo, Batangas kaninang umaga.
Ang programa ay pinangungahan ng Pamahalaang Barangay ng Subic Ibaba sa pangunguna ng kanilang masipag na Punong Barangay Rodolfo S. Reyes Jr., mga Barangay Kagawad, Mga Opisyales, Brgy. Functionaries at Sangguniang Kabataan Officials.
Naroon ang ating butihin at masipag na Municipal Health Officer Dr. Richard Landicho kasama ang mga Nurses na pinangungunahan ni Nurse Ella Rafaela Padua. Kasama din ang ating butihing Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes, Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel Reyes,, Kgg. Joel De Chavez at mga bisita mula sa Pamahalaang Panlalawigan.
Pinuri ng ADHP Provincial Coordinator Ma'am Ana Liza Abrenica at ng Provincial Technical Officer USAID Reach Health Sir Rodolfo Anacan Jr. ang ating Lokal na Pamahalaan sa ipinapakita nilang dedikasyon at kasipagan upang masubaybayan ang antas ng kalusugan ng ating bayan lalo't higit ng kabataan. Iminungkahi din nila na dagdagan pa ito sapagkat nakikita nila na kaya ng ating Bayan dahil mayroon tayong mahuhusay na lider at mga empleyado ng MHO.
Ang Lokal na Pamahalaan ay ipinapaabot ang pagbati sa Brgy. Subic Ibaba sa kanilang natatanging inisyatibo upang maitayo ang kauna-unahang Community Based Teen Health Kiosk sa ating bayan!

Post a Comment

0 Comments