CONTRACT SIGNING SA PAGITAN NG LGU AT PLDT
Isinagawa sa ating G. Brotonel Municipal Events Center ang Contract Signing sa pagitan ng ating Lokal na Pamahalaan at PLDT Inc. kaninang umaga.
Dumalo ang ating Butihin at Tapat na Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel D. Reyes kasama ang ating masipag na Municipal Administrator Dr. Noel D. Mendoza at ang mga kinatawan ng PLDT Ms. Ruby Montoya- Vice President and Head of Enterprise Revenue Group, Mr. Arman Garcia- Head LGU South Luzon at Mr. Allan Hechanova- Senior Relationship Manager.
Isa sa mga bahagi ng mensahe ni Vice Mayor Daniel Reyes ay "Ang partnership na ito ay makakatulong sa atin upang mas mabigyan pa at maipadama sa ating mga kababayan ang Mabilis, Maaasahan at Dekalidad na Magandang Serbisyo Publiko."
Kagaya ng PLDT, ang Lokal na Pamahalaan ng ating bayan sa pangunguna ng ating Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes ay palagiang nagnanais ng maayos na tugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan kagaya na lamang ng maayos at makabagong serbisyo publiko.
Nasa contract signing din ang mga Department Heads ng ating Lokal na Pamahalaan at iba pang kinatawan ng PLDT Inc.


0 Comments