ATLETANG AGONCILLIAN WAGI SA IKALAWANG LABAN KONTRA CVRAA SA PALARONG PAMBANSA 2024 SA ISKOR NA 13-1




 ATLETANG AGONCILLIAN WAGI SA IKALAWANG LABAN KONTRA CVRAA SA PALARONG PAMBANSA 2024 SA ISKOR NA 13-1

🇵🇭✨
Muli na namang pinatunayan ng mga manlalaro ng ating Bayan mula sa Subic ES ang husay at galing ng CALABARZON sa Softball Elementary matapos ilampaso ang kinatawan ng CVRAA sa Palarong Pambansa 2024 na kasalukuyang ginaganap sa Cebu.
Kanina ay tinalo ng ating koponan ang MIMAROPA sa iskor na 9-1. Tunay na kahanga-hanga ang ating mga minamahal na atleta.
Pagpupugay din ang ipinapaabot ng ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes at Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel D. Reyes sa mga coaches at trainors ng ating mga manlalaro.
Mabuhay mga atletang Agoncillian! Kayo ay dangal ng Probinsya, ng Rehiyon at lalo't higit ng mahal nating Bayan ng Agoncillo!❤️
📷 Team Agoncillo Baseball Softball

Post a Comment

0 Comments