AKSYON NG LGU SA NAGANAP NA PAGBAHA SA SITIO MANALAO 🇵🇭✨

 




AKSYON NG LGU SA NAGANAP NA PAGBAHA SA SITIO MANALAO

🇵🇭✨
Nagsagawa ng clearing operations at pagbisita ang ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating Mdrrmo Agoncillo Officer Sir Junfrance De Villa, Municipal Engineer Cesar Enriquez, Information Officer Sir Christian Dave Luya at mga kinatawan ng ating LGU sa Sitio Manalao, Subic Ilaya kaninang umaga.
Naroon din ang butihing Punong Barangay ng Subic Ilaya, Kgg. Mario Almanzor kasama ang mga Kagawad at Barangay Functionaries ng nasabing Barangay.
Ayon sa ating MDRRMO Officer, Sir Junfrance De Villa, maaari ng madaanan ang Sitio Manalao ng mga motorista sa ating bayan, payo lamang niya ang ibayong pag-iingat sapagkat madulas ang kalsada.

Post a Comment

0 Comments