Welcome po sa ating Agoncillo RHU Teen Health Kiosk , Barangay Barigon!
Nang nakaraan ay nagsagawa ng pagbisita ang Barangay Barigon sa Agoncillo RHU Teen Health Kiosk. Ito ay unang hakbang upang masimulan nila ang Barangay-based Adolescent Friendly Health Facility/ Teen Health Kiosk, ang safe space para sa mga kabataan kung saan pwede mong i-share ang iyong nararamdaman ng hindi ka huhusgahan.
Layunin ng THK na magbigay gabay, health education at iba pang programa para sa mga kabataan. Ito ang siyang magiging daan para sila ay magkaroon ng kumpiyansa sa sarili at magkaroon ng bukas na kaisipan para sa mga mahahalagang bagay na makatutulong sa estado ng kalusugan ng kaisipan.
Patunay ito sa dedikasyon ng ating pamahalaang lokal na makamit ng bawat Agoncillians ang pagkakaroon ng magandang kinabukasan sa pamamagitan ng kalusugang pisikal at mental.


0 Comments