PARA SA MGA ERPAT! 🇵🇭

 





PARA SA MGA ERPAT!

🇵🇭
Pinangunahan ng ating Municipal Social Welfare and Development Office sa pamumuno ni Ma'am Josalyn Cortez ang isang Gender and Development Orientation on RA 9262 (Anti-VAWC and RA 11313) Safe Spaces Act/Bawal Bastos Law na isinagawa sa ating V. Maligalig Legislative Building Conference Room kahapon.
Layunin nito na imulat ang ating mga miyembro ng ERPAT sa pagiging marespeto at mapangalagaan ang bawat kababaihan at kabataan. Dumalo sa nasabing oryentasyon ang ating butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes at ang ating kaibigan na si Vice Mayor Ronin Leviste ng Lian.
Mabuhay ang bawat Tatay dito sa Agoncillo!

Post a Comment

0 Comments