OPORTUNIDAD HATID NG PESO AGONCILLO AT EPSON 🇵🇭✨







 OPORTUNIDAD HATID NG PESO AGONCILLO AT EPSON

🇵🇭✨
Nakipagtulungan ang ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes, Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel D. Reyes kasama ang ating Public Employment Services Office Manager Ma'am Mercy Punzalan sa EPSON Precision Philippines Inc. upang makapagsagawa ng isang Job Fair sa ating Municipal Conference Center.
Layunin ng ating Pamahalaang Lokal at ng PESO Agoncillo na makapagbigay ng oportunidad para sa ating mga kababayan, patuloy ang pangangalap nila ng mga kompanya na maaaring makapaghatid ng trabaho sa ating mga kababayan. Isa itong susi upang tuluyang umusbong at umunlad ang bawat pamilyang Agoncillian.
Kinakitaan ng husay at galing ang mga aplikante mula sa bayan ng Agoncillo, yan ang napatunayan ni Ms. Zareen Carla Castillo na kinatawan ng Epson Precision Philippines Inc.
Samantala, lubos ang pasasalamat ni Ma'am Mercy Punzalan sa pagbibigay ng ganitong uri ng pagkakataon sa ating mga kababayan. Ang mga ganitong opprtunidad ay isang susi tungo sa Mas Magandang Agoncillo, Mas Magandang Serbisyo Publiko.

Post a Comment

0 Comments