MOA SIGNING SA PAGITAN NG MAGANDANG AGONCILLO AT BATANGAS STATE UNIVERSITY TNEU LEMERY CAMPUS PARA SA PROJECT ELEVATE, ISINAGAWA NA
Isinagawa sa Conference Room ng ating V. Maligalig Legislative Building ang Memorandum of Agreement (MOA) Signing sa pagitan ng ating Lokal na Pamahalaan at mga kaibigan natin mula sa Batangas State University TNEU Lemery Campus para sa kanilang proyektong tinatawag na "Project Elevate".
Ang ultimate goal ay mas mapabuti ang ginagawang paglilingkod sa ating mga kababayan.
Pinangunahan ito ng ating butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes kasama ang Human Resource Management Office na pinamumunuan ni Ms. Angelica Anne Leonor at ng mga kinatawan ng nasabing unibersidad sa pangunguna ng kanilang Chancellor Dr. Expedito V. Acorda kasama ang kanilang Campus Director na si Assoc. Prof. Sandy M. Gonzales at Head ng Research and Extension Services, Dr. Jennifer Manalo- Cueto.
Layunin din na mas mapagtibay pa ang koneksyon at samahan ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo at ng Batangas State University TNEU Lemery Campus. Matatandaan natin na ang ating Punong Bayan ay isa sa mga dati nilang propesor kaya naman napakalapit ng unibersidad na ito sa kanyang puso.
Maraming Salamat po, Batangas State University TNEU-Lemery Campus!
Mabuhay po kayo!



0 Comments