LUKSANG PARANGAL PARA KAY DATING KAPITAN AMADO DE CHAVEZ NG POBLACION


Pinangunahan ng ating Lokal na Pamahalaan katuwang ng Pamahalaang Barangay ng Poblacion ang isinagawang Luksang Parangal para sa yumaong dating kapitan ng Brgy. Poblacion Kgg. Amado C. De Chavez kaninang umaga sa kanilang tahanan.
Nakiramay din at nagbahagi ng mensahe ang ating magiting na Bise Gobernador Kgg. Mark Leviste, Kgg. Joel "Paras" De Chavez gayundin ang kasalukuyang Punong Barangay ng Poblacion Kgg. Andy Bonsol.
Tinanggap ng Pamilya De Chavez ang plake at bandila ng Pilipinas na nagpapakita ng kagitingan at kahusayan ni Kgg. Amado De Chavez bilang Punong Barangay na nakatulong sa pag-unlad ng mahal nating bayan.
0 Comments