June 9, 2024 - Luksang Parangal para sa namayapang dating Konsehal ng Bayan, Armando “Mando” H. Cabello, mula sa Barangay Subic Ilaya.
Ginanap kanina sa lobby ng Vicente Maligalig Legislative Building ang paggunita sa mahalagang naiambag niya sa bayan. Nagsilbi siyang konsehal noong April 26, 1986 hanggang December 1, 1987, at noong February 2, 1988 hanggang June 30, 1993. Maaalalang transition period ito papunta sa demokratikong pamahalaan.
Nagpasalamat din sina Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes at Vice Mayor Daniel Reyes sa pamilyang Cabello sa suporta. Nagpahayag din ang dati nating Vice Mayor Domeng Encarnacion ng magagandang alaala ng yumao.
Nakibahagi rin ang mga konsehal ng bayan, Hon. Vio Cacao, Wilbert Catena, ABC Teodulo Himarang at Subic Ilaya punong barangay Mario Almanzor.
Makahulugan ang ibinahagi ng anak ni Hon. Armando Cabello, na si Maryline, na hindi sila napagbuhatan ng kamay ni minsan at palaging nakaagapay sa kanila ang kanilang ama noong nabubuhay pa.
Ang kanyang naging serbisyo ay nakaukit na sa kasaysayan ng Magandang Agoncillo.
0 Comments