Itay, Ama, Papa, Daddy, Erpats,Tatay, Papsy, ano man ang kanilang tawag ng pagmamahal sa inyo ♥️

 



Itay, Ama, Papa, Daddy, Erpats,Tatay, Papsy, ano man ang kanilang tawag ng pagmamahal sa inyo

♥️
Para sa lahat ng mga Tatay na Agoncillians saan mang sulok ng mundo, Maligayang Araw po sa inyong lahat! Ang ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes, Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel D. Reyes kasama ang bawat kawani at miyembro ng Sangguniang Bayan ay bumabati sa inyo ng:
HAPPY FATHER'S DAY PO! 👨🏻
Ang inyong pagsusumikap, pagmamahal at dedikasyon para sa inyong pamilya, sa bayan at sa buong komunidad ay tunay namang kahanga-hanga.
Kayo ang haligi na nagsisilbing lakas ng bawat Pamilyang Agoncillian tungo sa kanilang mga pangarap.
Kaya naman ang natatanging araw na ito ay para sa inyo!
Patuloy nawa kayong biyayaan ng ating Poong Lumikha ng malusog na pangangatawan, masaya at masaganang buhay!

Post a Comment

0 Comments