INAGURASYON NG PAGCOR SOCIO-CIVIC CENTER SA BARANGAY PANSIPIT 🇵🇭✨







 INAGURASYON NG PAGCOR SOCIO-CIVIC CENTER SA BARANGAY PANSIPIT

🇵🇭✨
Ginanap kahapon sa Brgy. Pansipit ang Inagurasyon ng kauna-unahang PAGCOR Socio-Civic Center sa pangunguna ng ating Lokal na Pamahalaan na pinamumunuan ng ating masipag na Punong Bayan Atty. Cinderella Velenton-Reyes at Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel D. Reyes.
Dumating sa ating bayan ang Chairman and CEO ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Mr. Alejandro H. Tengco kasama ang iba pang kinatawan ng PAGCOR upang personal na makasama ang ating mga kababayan.
Samantala, naroon din ang mga Punong Barangay, DepEd Agoncillo Sub-Office, mga LGU Scholars, Pamahalaang Barangay ng Bray. Pansipit sa pangunguna ni Kapitan Paul Tolentino, PNP -Agoncillo at BFP Agoncillo.
Lubos ang kasayahan ng bawat Agoncillian sa proyektong ito ng PAGCOR, matatandaan natin na una na nilang dinala ang kanilang tulong sa atin noong pumutok ang bulkan ng Taal tang 2020. Matapos ang kanilang mga relief operations ay iginawad naman nila sa atin ang PAGCOR Village sa Coral na Munti, Agoncillo, Batangas at ngayon pormal ng magagamit ang kauna-unahang PAGCOR Socio-Civic Center ng ating bayan. Malaking tulong ito sa bava aktibidades ng ating Pamahalaang Lokal.
MARAMING SALAMAT PAGCOR!

Post a Comment

0 Comments